Page 19 - now aug2019
P. 19

19
 eec-elite.com                        EEC Elite Express                     eecelite                     eec  eec-elite.com                        EEC Elite Express                     eecelite                     eec
                                                                                                             NEWS
        AUGUST 2019                                                                                    SHOWBIZ
                                                                 Dimples nag-volunteer sa DOT para maging tourism advocate
                                                                    ALA pang isang linggong natapos ang mediacon para sa book 3 ng seryeng Kadenang Ginto
                                                                 Wkung saan napag-usapan ang memes ni Dimples Romana bilang si Daniella Mondragon ay
                                                                 may bagong good news na naman ang aktres para sa kanyang fans and followers. Dahil nga sa mga
                                                                 viral memes ni Dimples as Daniela sa Kadenang Ginto kung saan ibinandera ng mga netizens ang
                                                                 “pagpunta” niya sa kung saan-saang parte ng Pilipinas at maging sa ibang bansa ay binigyan ng
                                                                 bagong “assignment” ang aktres. Sa panayam sa kanya ni MJ Felipe para sa Bandila nabanggit ni
                                                                 Dimples na payag siyang makipag-collaborate sa Department of Tourism at willing siyang maging
                                                                 endorser ng ahensya para sa pagpo-promote ng turismo sa bansa. Biro pa nga ni Dimples may extra
                                                                 pa siyang limang pulang damit. Napanood pala ni DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat at ni-repost
                                                                 ang panayam ni Dimples sa kanyang Instagram account nitong Lunes. Aniya sa caption, “In a recent
                                                                 interview, both Ms. @dimplesromana and Ms. @beauty_gonzalez mentioned the Department of
                                                                 Tourism because of their memes that are now trending. “We will be more than happy to welcome
                                                                 Dimples and Beauty to be part of the fun! Thank you for being our volunteer tourism ambassadors
                                                                 and congratulations on going viral! #DaniGurl #itsmorefuninthephilippines.” At nito ngang Hulyo
                                                                 8 ay dinalaw ni Dimples ang Kalihim ng DOT sa opisina nito. Base pa rin sa post ni Ms. Puyat,
                                                                 “GUESS WHO SURPRISED ME THIS AFTERNOON??? Missing you @beauty_gonzalez! #Repost@
                                                                 mariodumaual  #ohdani!  The  evil  Daniela  still  in  red  OOTD  @dimplesromana  finds  her  new
                                                                 nemesis in Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat @bernsrp. “The actress, minus her luggage, made a
                                                                 surprise courtesy call to volunteer as tourism advocate of PH heritage sites/ destinations; and to
                                                                 teach Puyat how to be a contravida,” aniya pa.
                                                                 Kaso ni Kris kay Falcis binasura sa Manila
                                                                   inasura ng  Manila prose cutor ang kasong isinampa na  qualified  theft  at  access  device
                                                                 Bfraud ni Kris Aquino laban kay Nicko Falcis kamakailan. Matatandaang naghain ng reklamo
                                                                 na 44 counts si Aquino na qualified theft at violation of access device regulation act of 1998 sa iba’t
                                                                 ibang lungsod sa Metro Manila kay Falcis. Ang mga kasong iyon ay nagsasabing nagnakaw umano
                                                                 si Falcis ng P1,270,980.31 via credit card transactions gamit ang pera ng KCAP (kompanya ni Kris).
                                                                 Sa Manila, Quezon City, Taguig City, Makati City, San Juan City, Pasig City at Mandaluyong City
                                                                 ang  pitong  lungsod  kung saan nakahain  ang  reklamong  isinampa  ni  Kris  laban  kay  Falcis.
                                                                 Base sa statement na nakasaad sa reklamo ni Kris sa Manila, diumano ay gumastos si Falcis ng
                                                                 total na P49,584.00 credit card tran sactions na walang pahintulot. Ayon naman sa resolution ng
                                                                 nasabing reklamo, “complainant failed to establish the personal property that was supposedly
                                                                 unlawfully taken by respondent (Nicko) from complainant or from KCAP.” Ibig sabihin ay hindi
                                                                 sapat ang ebidensya para patunayan ang akusasyon laban kay Nicko. Noong Abril ay nabasura
                                                                 naman sa Quezon City ang kasong isinampa na grave threats ni Nicko laban kay Kris.
                                                                 Angel Locsin, Neil Arce engaged na!
                                                                  I said YES.” “We’re engaged!” Yan ang magkasunod na pasabog ni Angel Locsin sa kanyang
                                                                 “Instagram post. Yes, nag-propose na nga sa Kapamilya actress ang boyfriend niyang si Neil
                                                                 Arce na agad ibinalita ng dalaga sa kanyang fans and followers. Unang ipinost ni Angel sa IG ang
                                                                 litrato ng kanyang kamay suot ang engagement ring habang blurred naman ang itsura ni Neil na
                                                                 nakatayo at nakataas ang dalawang kamay. May caption itong: “Surprise of my life.” Sa second
                                                                 photo naman, makikita si Angel na suot pa rin ang engagement ring habang nakaharap sa kanyang
                                                                 future husband. Dito nga niya inilagay ang caption na: “I said YES (heart emoji).” Sa ikatlong photo
                                                                 naman ay may pa-kissing scene na ang dalawa. Makikita si Angel sa picture na nakataas ang kamay
                                                                 kung saan nakasuot ang singsing habang nakaturo naman ang daliri ni Neil sa daliri ni Angel kung
                                                                 saan nakasuot ang ibinigay niyang engagement ring. Sa isang post naman ni Neil, makikita ang
                                                                 blurred photo nila ni Angel kung saan hawak niya ang diamond ring. Caption niya sa litrato, “Excuse
                                                                 me miss… I have a question…” Hanggang sa mag-YES na nga si Angel sa kanya at tanggapin ang
                                                                 kanyang proposal. Sa sumunod na post ni Neil ito na ang kanyang caption: “Thank you for allowing
                                                                 me to be with you, take care of you and most of all love you for the rest of my life.” Bumaha naman
                                                                 ng positive feedbacks at “congratulations” sa IG accounts nina Angel at Neil. Kabilang sa mga
                                                                 celebrities na agad-agad pinusuan ang engagement ng dalawa ay sina Vice Ganda, Bea Alonzo, Lovi
                                                                 Poe, Boy2 Quizon, Yasmien Kurdi, Raymond Gutierrez, Barbie Imperial, Maris Racal, Andrea Torres,
                                                                 Jerald Napoles, Coleen Garcia at marami pang iba.
                                                                 Lauren Young, inireklamo ang “Chinese-only” policy ng isang restaurant
                                                                  binahagi ni Lauren Young, aktres at kapatid ni Megan Young na Miss World 2013, ang “For
                                                                 IChinese  Customer”  policy  ng  kaniyang  paboritong  restaurant  sa  Subic.  Ayon  kay  Lauren,
                                                                 ibinenta na ang establisyemento sa isang Chinese businessman at kinuwestiyon niya ang legality
                                                                 ng restaurant. Sa kaniyang tweet, ipinahayag niya rin na kung magkakaroon siya ng restaurant ay
                                                                 para lamang sa mga Pilipino. “Is this even legal? (My fave resto in Subic has been sold and this sign
                                                                 is up) I really want to know if business owners are allowed to do this. If I had a restaurant am I
                                                                 allowed to put up these signs for example: “Only for dog Customers” “Only for Filipino Customers”
                                                                 LMK.” Nag-reply naman ang Department of Trade and Industry (DTI) na ireklamo na lamang sa
                                                                 Consumer Protection and Advocacy Bureau ang kaniyang concern. Umani naman ang post na ito
                                                                 ng reaksyon mula sa mga netizen at sinabing mayroon ding iba pang restaurant sa Manila na ganito
                                                                 rin ang policy. Samantala, binago rin ang nakalagay sa signage at pinalitan ng “Correction! We also
                                                                 serve Chinese Food.”
                                                                 Sexbomb management itinangging miyembro
                                                                 nila ang nadakip sa buy-bust sa Laguna
                                                                  tinanggi ng management ng Sexbomb Dancers na dati nilang miyembro ang naaresto sa buy
                                                                 Ibust sa Laguna. Matapos lumabas sa balita na may dating miyembro ng Sexbomb Dancers ang
                                                                 nadakip sa buy-bust sinabi ng management ng grupo na hindi totoong miyembro nila ang babae.
                                                                 Isang Sheena Joana Roño Uypico ang inaresto sa Laguna at tinukoy ito sa mga balita na miyembro
                                                                 ng isang popular na dance group. May ibang media outlets naman ang nagbalita na ang naaresto
                                                                 ay si Sheena Flores de Castro at ginamit ang larawan ng sexbomb member sa kanilang balita. Sa
                                                                 pamamagitan ng Instagram stories, nilinaw ni Sheena na hindi siya ang babaeng naaresto dahil
                                                                 nasa Amerika siya ngayon. Si Sexbomb Sheena, ay isa na palang flight attendant at may pamilya na
                                                                 sa Amerika. Nagulat din si De Castro nang makita ang mga balita na nagsasabing siya ay nadakip.
                                                                 Umapela ang management ng dance group na iberipika muna ang ulat bago isapubliko. Bunsod
                                                                 nito, pina-plano ngayon ni Sheena na kumuha ng legal advice sa insidente. Si Sheena ay naging
                                                                 miyembro ng Sexbomb Girls mula 2008 hanggang 2011.
   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   24