Page 205 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 205

Nabuhay                                              Lived




                                                      Ang Maynila


               Ang  pinakalumang  Maynila,  ay  ang  Maynila  ng  mga  Tagalog,  at  ang
               pangalan ng lugar ay galing sa mga salitang “may nila.” Ang ibig sabihin,
               mayroon  silang  “nila,”  isang  uri  ng  halaman.  Ito  ang  Maynila  ng  mga
               Tagalog at ng mga pinuno nilang sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda.

               Ito  rin  ang  Maynila  na  sinakop  ng  Borneo  at  ng  mga  Muslim.  Ito  ang
               Maynila na nakilala para sa kanyang dagat, ang Manila Bay, at sa kanyang
               ilog, ang Pasig.
                  Noong 1571, sinakop ito ng mga Kastila, sa pamumuno ni Miguel Lopez
              de Lagazpi. Itinayo nila ang isang “walled city” o lungsod na napapalibutan
              ng pader, ang Intramuros. Galing ang pangalan nito sa wikang Latin: intra at

              muros,  at  ibinigay  ang  pangalan  na  ito  sa  Maynila  ng  mga  Kastila.  Isang
              simbolo ang mga pader dahil ang mga Kastila lang ang puwedeng tumira sa
              loob ng Intramuros.
                  Ngayon,  “tourist  destination”  na  ito.  Puwede  kang  pumunta  sa  Fort
              Santiago.  Pagkatapos,  maglakad  ka  papunta  sa  General  Luna  street.
              Lampasan mo ang Plaza Moriones at ang Palacio del Gobernador. Makikita
              mo ang Manila Cathedral.

                  Maglakad ka pa sa General Luna street. Pagkatapos ng dalawang kanto,
              kumanan ka. Maglakad ka sa Calle Real. Darating ka sa Puerta de Sta. Lucia.
              Isa ito sa mga pasukan papunta sa Intramuros. Puwede ka ring pumunta sa
              iba pang gusali. Nasa General Luna Street din ang San Agustin Church at ang
              Casa Manila.

                  Sa  labas  ng  Intramuros,  sa  Tondo,  isinilang  ang  rebolusyon  at  ang
              Katipunan, ang grupo na lumaban sa mga Kastila. Binuo ito sa kanto ng mga
              kalye na El Cano at Ascarraga (ngayon ay Recto) noong 1892.
                  Sa  panahon  ng  pananakop  ng  mga Amerikano,  itinayo  naman  ang  mga
              gusali  ng  gobyerno.  Mga  pangalan  ng  mga  Amerikanong  mananakop  ang
              ginamit na pangalan ng kalye. May mga bus, kotse, at karitela (horse-drawn
              carriage) sa daan. Ang mga mayayaman at at mga Amerikano ay nakatira sa

              Malate, dahil nakikita mula dito ang dagat. Dahil sinakop ng mga Hapon ang
              Pilipinas  mula  1942  hanggang  1945,  binomba  ng  mga  Amerikano  ang
              Maynila  noong  Pebrero  hanggang  Marso  1945  sa  tinatawag  na  “Battle  of
              Manila.”
                  Para  sa  ibang  Filipino  na  nabuhay  noong  1950s,  ang  Maynila  ay  ang
   200   201   202   203   204   205   206   207   208   209   210