Page 334 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 334

bibingka, cake, buco juice, adobo, gulay, at kanin. Tawa kami nang tawa kasi
              kami rin ang kumain ng dala naming pagkain. Ang sarap ng cheesecake na
              ginawa ni Shayne!
                  Mayroon  din  akong  dalang  mga  libro—gustong-gusto  ni  Tita  Beth  na
              magbasa. Ang sabi niya, araw-araw daw ay nagbabasa siya.

                  Mabuti-buti na ngayon si Tita Beth. Noong isang linggo kasi, may lagnat
              siya, sipon, at ubo. Pumunta rin noong isang araw ang doktor niyang si Dr.
              Beng para bumisita sa kanya.
                  Sa susunod na linggo, makakalabas na siguro si Tita Beth. Ang sabi ng

              hukom, wala daw dahilan para ikulong siya. Dinismiss ang lahat ng charges
              sa kanya.
                  Alas-kuwatro  na  ng  hapon  nang  umalis  kami  sa  Camp  Crame.
              Kumakaway sa amin si Tita Beth. Naka-suot siya ng asul na blusa at itim na
              palda; nakasalamin siya at nakangiti. Isa siyang detenidong pulitikal.




              1. Sino ang dinalaw nina Tina, Judy, Roland, Sarah, at Shayne?
              2. Ano ang dinala nila?
              3. Ano ang lasa ng cheesecake?
              4. Ano ang ginagawa ni Tita Beth araw-araw?
              5. Ano ang naging sakit ni Tita Beth?
              6. Sino ang doktor ni Tita Beth?
              7. Ano ang sinabi ng hukom?
              8. Anong oras sila umalis sa Camp Crame?
              9. Ano ang suot ni Tita Beth?



                  Pagsusulat


              Write a short paragraph about your recent visit to a friend’s or a relative’s house.



                 Paglalagom


              In Aralin 23, you have:
              1.  Practiced  words  and  phrases  related  to  talking  about  illnesses,  frequency,  and
                  visiting someone’s house,
              2. Used visual materials to tell a story,
              3. Practiced how to give step-by-step directions.


              You should now be able to:
              1. Converse better in Filipino when visiting a friend.
   329   330   331   332   333   334   335   336   337   338   339