Page 347 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 347

Naisip                           Thought
                 Manggagawa                       Worker
                 Mahihirap                        Poor

                 Kaya                             That is why (when the accent is on the first
                                                  syllable, the meaning of this word is “Can”)

                 Bote ng alak                     Bottle of wine
                 Magkahawak-kamay                 Holding hands
                 Payapa                           Peaceful

                 Baril                            Gun
                 Bihag                            Prisoner



               Anibersaryo  ng  kasal  namin.  Nagreserba  ako  ng  malaking  kuwarto  sa

               Oceanview Resort, isa sa pinakamalaking resort sa isla. Mahal ang resort at
               hindi kami mayaman, pero ang sabi ng mga anak ko: “Mommy, anibersaryo
               ninyo ng Daddy. Espesyal na araw ito.”
                  Tanghaling  tapat  nang  tumawag  ako  sa  resort.  “Gusto  ko  hong
              magreserba ng kuwarto,” sabi ko.

                  Mabait ang kausap kong hotel clerk. Sinabi ko sa kanya na anibersaryo
              namin  ng  asawa  ko.  “Ibibigay  ko  po  sa  inyo  ang  pinakamaganda  naming
              cottage.”
                  “Cottage”  ang  tawag  niya  sa  “bahay  kubo”  na  nasa  ibabaw  ng  tubig.
              Ganito  ang  mga  bahay  ng  mga  taong  Badjao  na  nakatira  sa  Sulu  sa

              katimugan ng Pilipinas. Inilalarawan ang mga bahay na ito na “mga bahay
              na nakatayo sa poste” o “houses on stilts.”
                  Apat na araw, tatlong gabi. Apat na raang dolyar bawat gabi pero kasama
              na  ang  almusal,  tanghalian,  at  hapunan.  Ang  mahal,  naisip  ko.  Siyam  na
              dolyar lang ang suweldo ng isang manggagawa sa Pilipinas. Misyonarya ako,
              kaya palagi kong naiisip ang mga mahihirap.

                  Alas-nuwebe  nang  umaga  nang  dumating  kami  ng  asawa  ko  sa  resort.
              Bughaw na bughaw ang dagat, bughaw na bughaw ang langit. May bote ng
              alak at may mga bulaklak sa kuwarto; regalo ito ng resort sa amin. Mayroon
              ding coffeemaker, kape, tsaa at minibar sa kuwarto.

                  Gumawa ng tsaa ang asawa ko. Kinuha ko mula sa bag ko ang chocolate
              chip cookies na ginawa ng anak ko. Umupo kami ng asawa ko sa balkonahe,
              umiinom  ng  tsaa  at  kumakain  ng  cookies,  tinitingnan  ang  dagat.
              Magkahawakkamay kami, tinitingnan ang dagat, iniisip ang payapa naming
              buhay na magasawa.
   342   343   344   345   346   347   348   349   350   351   352