Page 18 - SC4Q-2019-
P. 18
Sama-sama Laban
Sa Eczema
Sa panulat ni Dr. Maria Carla Perlas-Pagtakhan, FPDS
indi mapagkakaila na maraming mga Pilipino ang may sakit na eczema. Kaya
naman, minabuti ng Philippine Dermatological Society na gumawa ng isang
Hkakaibang hakbangin upang mapalawak ang kaalaman ng sambayanan ukol sa
sakit na ito. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagdaos ang PDS, kasama ang labing-
isang Dermatology Institutions sa ilalim nito, ng NATIONAL ECZEMA FAIR noong ika-
23 ng Hulyo, 2017, sa Robinson’s Place Atrium. Napakaraming nakiisa sa pagdiriwang
na ito, magmula sa mga kasapi ng PDS, mga pharmaceutical companies at mga
mamamayang Pilipino na may interes sa eczema o sakit na eczema. Isang malakihang
free clinic ang pambungad ng eczema fair. Malugod na nagpaunlak ang mga PDS
dermatologists sa mga nagpatingin ng kanilang sakit sa balat. Laking tuwa ng mga
ito, dahil hindi lamang libreng kunsulta ang kanilang nakuha, pati na rin mga libreng
produkto mula sa mga “booths” na nakiisa sa eczema fair.
Pagkatapos ng ilang sandali, inumpisahan na ng PDS ang inihandang programang
maghahatid ng mga iba’t ibang kaalaman paukol sa eczema. Nagbigay ng pambungad
na pananalita si Dr. Ma. Angela Lavadia, Pangulo ng PDS. Sinundan ito ng isang
makabuhulang pagtalakay, mula kay Dr. Vanessa Carpio, paukol sa kahalagahan
ng pangangalaga sa balat laban sa sikat ng araw, lalung-lalo sa mga may eczema.
Binigyang linaw naman nina Drs. Lourdes Palmero at Johannes Dayrit ang kaugnayan
ng eczema sa kapaligiran at palakasan. Ikinalugod lalo ng mga nagsidalo ang isang
sorpresang pagbisita ng kagiliw-giliw na magkapatid na sina Kendra at Scarlet
Kramer at napaindak naman ang marami sa hatid na “flash mob” ng mga residente
ng RITM. Naging tuluy-tuloy na ang kasiyahan sa nakatutuwa at pukaw-pansin na
“game show” paukol sa eczema at mga epekto nito. sa pangunguna nina Drs. Trisha
Manlongat-Malahito at Dyozah Tugon. At sa huling panayam na binansagang “The
Carla and Ricky Show”, itinampok sina Drs. Carla Hublade at Ricky Hipolito bilang
talk show hosts na nagbigay nang nakakaaliw ngunit napapanahong pagbibigay-linaw
sa ilan pang mga bagay ukol sa eczema.
Sa kabuuan ng maghapong eczema fair, napagtanto ng ating samahan na payak at
mabisa ang ganitong pamamamaraan ng paglilingkod sa sambayanan. Naaabot ang
karamihan. Natutugunan ang mga katangunan. Napagsasama-sama ang mga kasapi
sa iisang layunin – mapalawak ang kaalaman ng ating mga kababayan ukol sa eczema.
Isa na naman itong tatak ng tagumpay ng PDS, the DERMAUTHORITY!
18

