Page 21 - SC4Q-2019-
P. 21
BUNYI NG TAGUMPAY
Pagbati para kay Dr. Maria Teresa Tolosa, (nakaupo sa dulong kaliwa) na isa sa
mga pinarangalan ng “3rd Cong Dadong Awards for Outstanding Lubenians” sa
larangan ng Sining at Kultura noon ika-6 ng Mayo 2017. Ang Lubenians ay mula
Ginanap ang pagtatalaga sa tungkulin ng PMA Component Society Presidents sa Lubang, Pampanga. Sina dating Pangulo ng Pilipinas at ngayo’y Kinatawan ng
Pampanga Gloria Macapagal-Arroyo (nakaupo, gitna) at Alkalde ng Lubao Mylyn
sa nakalipas na PMA Convention noong ika-19 Mayo 2017. Nasa larawan ay ang
ating pinagpipitaganang mga kasapi: Dr. Cristabel Sy bilang Pangulo ng QCMS Pineda-Cayabyab (nakaupo, pang-apat mula sa kaliwa) ang nanguna sa Awarding
Ceremony ng 12 Outstanding Lubenians sa iba’t ibang larangan. (Larawan ay mula
(nakapula sa gitna) at Dr. Esther Ensafian bilang Pangulo ng MMS (nakaasul sa
dulong kaliwa). Sa huling larawan naman si Dr. Geraldine Cadacio, Pangulo ng sa Sunstar Pampanga ika-5 Mayo 2017) http://www.sunstar.com.ph/pampanga/
SISMC (Southern Ilocos Sur Medical Society). local-news/2017/05/05/pmaers-beauty-queen-lead-cong-dadong-awards-540280)
ASIAN HOSPITAL: ITINAMPOK ANG KANILANG IKA-4 NA DERMATOLOGY
POSTGRADUATE COURSE
Isang tagumpay ang naganap na ika-apat na Dermatology Postgraduate
Course ng Asian Hospital and Medical Center noong ika-7 ng Hunyo sa Acacia
Hotel Manila. Umabot ng 188 na manggagamot ang nagsidalo sa okasyong
ito, sa tulong at pakikipagugnayan ng Philippine Dermatological Society.
Pinamagatang “The Science Behind The Hype’, labing-isang dalubhasa sa
larangan ng dermatology at pediatrics ang nagbigay ng mga kaalaman ukol
sa mga iba’t ibang napapanahong lunas at pamamaraan sa panggagamot sa
dermatology. Isang panayam hinggil sa pagpapataas ng anyong propesyonal
ang naging pangwakas ng programa. Makikita sa unang larawan sina Drs.
Filomena Montinola (Dating Puno ng AHMC Dermatology Department),
Evangeline Handog (Pangsalukuyang Puno ng AHMC Dermatology
Department), Mr. Andres Licaros, Jr. (Pangulo at CEO ng AHMC) at Contessa
Hamada-Ostrea (Puno ng Postgraduate Course ), kasama ang mga kasapi ng
AHMC Dermatology Department.
Ang Department of Dermatology ng Asian Hospital Medical Center, sa
pamumuno ni Dr. Evangeline Handog
• GAWAD PAPUGAY SA MGA SUMUSUNOD:
Sa dami ng nagsisilahok sa SKINPACT Awards ng Galderma, mapalad na napili bilang
finalists ang dalawang lahok ng ating mga kasapi sa PDS.
Napabilang sa ilalim ng Excellence in Education Category ang SCHISTO DERE LAKSI,
isang community-wide education sa pamamagitan ng pelikula at komiks, paukol sa
maagang pagkilanlan ng Schistosomal Rash sa mga lalawigan ng Eastern Samar, kung
saan ang schistosomiasis ay maituturing na endemic. Sa pamamagitan ng proyektong
ito, maaaring maiwasan ang chronic morbidity at late-stage sequelae ng naturang
sakit. Ito ay proyekto ni Dr. Mirla Celina Taira, isang PDS Fellow na tubong Eastern
Samar.
Sa ilalim naman ng Community Leadership Category napabilang ang PARTNERS IN LEPROSY
ACTION (PILA), isang community skin health strategy na inumpisahan ng Philippine Leprosy
Mission (PLM) noong 2015. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sangay ng
pamahalaan at komunidad tulad ng local government units, departments of health and
education, dermatologists at community members, hangad ng PILA na makabuo ng mga programang makakapukaw sa kamalayan, maagang pagtutop, paggamot at
pagsawata ng leprosy, isa sa mga neglected tropical diseases. Itong proyektong ito ay pinamumunuan ni Dr. Belen Dofitas, isang PDS Fellow at kasalukuyang pangulo ng PLM.
Hinihikayat ang lahat na iboto ang dalawang kalahok na ito. Makiisa at puntahan ang www.galdermaskinpact.org. Hanggang ika-17 na lang ng Setyembre, 2017
ang botohan.
• Ipinagkaloob naman ng International League of Dermatological Societies (ILDS), sa pamumuno ni Dr. Harvey Lui, ang ILDS Dermlink 2017 grant sa PDS na
nagkakahalaga ng USD5,000. Ito ay nakalaan sa proyekto ng UP-PGH Section of Dermatology, sa pangunguna muli ni Dr. Belen Dofitas, na naghahangad na makabuo
ng mobile phone teledermatology para sa leprosy at iba pang tropical skin diseases sa malalayo at disadvantaged na mga lugar sa Pilipinas.
• Nakatanggap din ang PDS ng citation mula sa ILDS, na nangasiwa ng field testing ng ICD 11 sa larangan ng dermatology. Sa pag-uugnay ng ating PDS HIS team, isa
tayo sa mga naunang nagsumite ng sampung entrada.
21

