Page 2 - SC4Q-2019-
P. 2

Ang Bulaklak, Ang Brilyante




                                 at Ang Lampara






                                        Sa panulat ni Dr. Ma. Angela T. Medina-Lavadia, FPDS


            a natatanging panahon, ang isang binhi ay                   “Ang mga kasapi ng
            umuusbong, lumalago, namumulaklak  at
        Snagbubunga.

        Ang  PDS  ay  ang  tanging  binhi—  ngayon,  ang                  PDS ay may tunay
        kanyang  mga bulaklak  ay natutunghayang
        maganda  at  makulay.  Ang  ating  mga  gawaing
        pangkalusugan ay maaaring ihambing sa sariwa                       na kakayahan at
        at  kaaya-ayang  bango  ng  mga  bulaklak…isang
        wagas  na  handog  sa  bayan  at  mataimtim  na   Dr. Ma. Angela T.
        dasal sa May-likha: isang “masarap na samyong   Medina-Lavadia  kaalaman sa agham
        handog na insenso.. (Awit 141:2).

        Ang  landas  ng  PDS  sa  mga  nakaraang  dekada  ay  puno  ng   ng dermatolohiya,
        masasayang  samahan  at  tagumpay.  Mayroon  ding  mga  araw
        na  puspos  ng  pagsisikap  at  pagsubok—noon,  at  maging  sa
        kasalukuyan.  Ang  minimithing  kagalingan  at  kahusayan  sa  pag-
        aaral  at  paglilingkod  sa  agham  at  sambayanan  ay  isang  daang   at may puso para sa
        matarik  at  puno  ng  balakid.  Mayroong  may  mga  layuning  iba
        sa  PDS,  mayroong  mga  mapagpanggap,  mayroong  walang
        kasanayan, at mayroon ding mga manlilinlang.                   sambayanan. Ibahagi

        Subali’t kung ang ating hangad ay kabutihan at kalusugan para sa
        lahat—wala tayong dapat ikabahala. Ang isang nagniningning na    natin ito sa mundo
        brilyanteng sapiro ay hinugis at pinagtibay ng apoy at bakal. Iyan
        ang PDS ngayon—sa ating ika-65 na taon.

        Ang mga kasapi ng PDS ay may tunay na kakayahan at kaalaman    para sa kabutihan ng
        sa agham ng dermatolohiya, at may puso para sa sambayanan.
        Ibahagi natin ito sa mundo para sa kabutihan ng lahat. Tulad ng
        isang lampara sa dilim,  kailangan ito upang magbigay ng liwanag   lahat. Tulad ng isang
        sa daan. Ang sabi sa Bibliya:

           “…dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng        lampara sa dilim,
          mga tao upang makita  nila ang inyong mabubuting gawa at
           papurihan ang inyong Ama na nasa langit.” (Mateo 5:16)

        Isa  lang  ang  hadlang  sa  ating  pag-unlad—ang  ating  sarili.  Ang   kailangan ito upang
        kakulangan sa pagtimpi at ang kawalang- bahala ay dapat nating
        sugpuin at supilin sa lahat ng oras.
                                                                       magbigay ng liwanag
        PDS, kailangan ka ng sambayanang Pilipino. Ikaw ang bantay at
        dalubhasa sa agham at sining ng kalusugan ng balat. Ikaw ang
        taliba ng Dermatolohiya sa bansa.                                        sa daan.”

        Humayo tayo sa tagumpay!
    2
   1   2   3   4   5   6   7