Page 317 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 317

Tuyong-tuyo                                  Very dry
                 Lupa                                         Earth
                 Bumaba                                       Went down

                 Paligid                                      Surroundings
                 Dibdib                                       Breast

                 Pinisil                                      Squeeze
                 Dugo                                         Blood
                 Pagkalipas ng panahon                        After some time

                 Inani                                        Harvested
                 Binayo                                       Pounded

                 Itinanim                                     Planted





                                                   Alamat ng Bigas      *


               Noong unang panahon, walang pagkain ang mga tao sa probinsiya ng Bohol.
               Humingi sila ng tulong kay Sappia, ang diyosa ng awa. Naawa sa kanila si
               Sappia at bumaba siya sa lupa.

                  Nakita  ni  Sappia  na  kulay  kayumanggi  ang  lupa.  Dahil  walang  ulan,
              tuyongtuyo ang lupa. Namamatay na sa gutom ang mga tao. Damo lang ang
              nakikita sa paligid.
                  Inilabas ni Sappia ang kanyang dibdib. Pinisil niya ang dibdib, at lumabas
              ang gatas. Isa-isa niyang nilagyan ng gatas ang mga damo, pero kulang ang
              gatas niya. Humingi siya ng mas maraming gatas sa langit pero nang pinisil
              niya uli ang dibdib, dugo ang lumabas.

                  Bumalik si Sappia sa langit. Mula sa langit, pinanood niya ang mga damo
              na mayroon nang mga butil ng palay. Pagkalipas ng panahon, inani ng mga
              tao ang palay. Nang binayo nila ang palay, marami sa bigas ang kulay puti.
              May mga bigas din na kulay pula.

                  Parehong masarap ang bigas na puti at bigas na pula. Itinanim ng mga
              tao  ang  ibang  palay.  Hindi  na  sila  nagutom.  Mula  sa  langit,  masayang-
              masaya si Sappia.






              1. Kanino humingi ng tulong ang mga tao?
              2. Sino si Sappia?
              3. Bakit tuyong-tuyo ang lupa?
   312   313   314   315   316   317   318   319   320   321   322