Page 359 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 359

Mahuhuli                            Will be late
                 Ulit                                Again
                 Mula noong                          Since

                 Nagtapos                            Graduated
                 Magkakakilala                       Know each other

                 Sarili                              Self
                 Salamin                             Mirror

                 Nakakatanda                         Make one look old
                 Nag-diyeta                          Dieted

                 Kumatok                             Knocked
                 Nakakainis                          Irritating
                 Nagpatuwid                          Had (hair) straightened

                 Niyayakap                           Hugs
                 Komunidad                           Community

                 Nambubugbog                         Person who beats up another
                 Nakalimutan                         Forgot





                                                       Blow-Dryer


               Sira ang blow-dryer sa kuwarto ni Carmen sa hotel. Tiningnan niya ang relo
               niya. Alas-sais  y  medya  na.  Mahuhuli  na  siya  para  sa  welcome  dinner  ng
               kanilang class reunion.

                  Tumawag  siya  ulit  sa  housekeeping.  “Hello?  Gusto  ko  hong  i-follow-up
              iyong hair dryer. Sira ho ang hair dryer sa kuwarto ko. Salamat ho.”
                  Tatlumpung taon na mula noong nagtapos sila ng high school. Pero dahil
              magkakaklase  sila  mula  kindergarten,  mahigit  apatnapung  taon  na  silang
              magkakakilala.

                  Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Noong isang linggo, nagpakulay at
              nagpagupit  siya  ng  buhok  sa  beauty  salon.  Ay,  salamat.  Wala  siyang
              nakikitang  puting  buhok.  Nagsimula  siyang  maglagay  ng  make-up.
              Foundation. Brown eyeshadow. Eyebrow pencil. Blue eyeliner. (Nakakatanda
              raw  kasi  ang  itim.)  Mascara.  Blush-on.  Sana  nagpa-botox  injections  ako,
              naisip niya. Parang marami siyang wrinkles. Nakakainis.

                  Nagbihis siya. Asul at berdeng damit na may geometric prints ang isusuot
              niya. Maganda ito, naisip niya, hindi nakikita ang extra pounds. Sayang, sana
              nag-diyeta bago pumunta sa reunion. Sana mas payat siya.
   354   355   356   357   358   359   360   361   362   363   364