Page 360 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 360

May kumatok sa pintuan. “Heto na ho ang blow dryer ninyo.”
                  Nilagyan niya ng anti-frizz gel ang buhok niya at nagsimula siyang mag-
              blow dry ng buhok. Naiinis siya sa buhok niya. Bakit ba siya may kulot na
              buhok?  Curly  tops  nga  ang  tawag  sa  kanya  noong  high  school  ng  kaibigan
              niyang  si  Terry.  Sana  tuwid  na  lang  ang  buhok  ko,  naisip  niya.  Sana
              nagpatuwid ako ng buhok sa beauty salon.

                  Alsa-siyete  ng  gabi  nang  pumasok  siya  sa  restaurant.  Sa  isang  table,
              tumatawa ang isang grupo ng mga babae habang kumakain ng appetizers. Sa
              may  bar,  nag-uusap  ang  tatlong  babae  habang  nag-oorder  ng  drinks.  Sa
              reception  area,  nakatayo  ang  dalawang  babae  na  nagbibigay  ng  mga  name
              tags.

                  “Carmen!”  Nakangiti  si  Menchie,  ang  organizer  ng  reunion.  Niyayakap
              siya ni Macon, ang seatmate niya noong high school. Kumakaway sa kanya si
              Marlo, ang partner niya sa chemistry lab. Nandoon silang lahat—si Terry, si
              Erlinda, si Ruth, si Lily, si Maan, si Celine, si Yeng, si Odette, si Iris, sina
              Camille at Elvira... mga classmates niya.
                  May tumaba, may pumayat. Mayroong brown na—light brown, medium
              brown, o dark brown—ang kulay ng buhok. Buong gabi silang nagkukuwento,

              tumatawa, nagkukuwento, tumatawa. May classmate na nagrereport para sa
              fund-raising  project  ng  mga  madre  para  sa  isang  mahirap  na  komunidad.
              May  nagsalita  tungkol  sa  kanilang  cookbook  project,  The  Blue  and  White
              Kitchen  .  May  nag-distribute  ng  gift  bags—may  stationery,  may  ballpens,
              may chocolates.
                  Ipinapakita ni Natilou ang mga larawan ng mga apo niya. Ikinukuwento

              ni Gina ang divorce niya sa asawang nambubugbog. Binabati nina Anicia at
              Marj si Ging dahil natapos na nito ang kanyang Ph.D.
                  At nakalimutan ni Carmen ang wrinkles sa mukha, ang extra pounds, at
              ang kulot na buhok na ayaw tumuwid.




              1. Ano ang problema sa hotel room ni Carmen?
              2. Saan pupunta si Carmen?
              3. Sino-sino ang mga kaklase ni Carmen?
              4. Ano-ano ang mga projects nila?
              5. Ano ang ginagawa ng mga babae sa reception area?



                  Pagsusulat


              Write a paragraph about a problem at a hotel room and how it was solved. You can
   355   356   357   358   359   360   361   362   363   364   365