Page 370 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 370

Bawat pagsinta’y paglalakbay.
                   Paglalayag sa malawak na dagat,
                   Pag-akyat sa pinakatuktok ng bundok.


                   Sumasakay ka sa pag-asa,
                   Humahawak sa pananalig.
                   Bawat pagsinta’y paglalakbay.


                   Tandaan.
                   Huwag kaybagal at baka may hindi maabutan.
                   Huwag kaybilis at baka may malampasan.


                   Sa gitna nitong paglalakbay,
                   Saglit na tumigil.
                   Punasan ang noo,
                   Hagurin ang talampakan.

                   Kumustahin ang sarili,
                   Na minsa’y nakakalimutan sa gilid ng daan.


                   Huwag hayaang mapagod ang puso
                   Sa bawat paglalakbay.
                   Ngunit huwag,
                   Huwag ring magpapigil sa pangamba
                   Kahit ang paroroona’y di tiyak.


                   Walang huling biyahe sa mangingibig
                   Na handang maglakbay
                   Nang may pananalig.






              1. Sa anong mga imahe (images ) ihinahambing (compare ) ang paglalakbay?
              2. Bakit hindi dapat mabagal ang paglalakbay?
              3. Bakit hndi dapat mabilis ang paglalakay?

              4. Ano ang dapat gawin sa gitna ng paglalakbay?
              5. Ano ang dapat mayroon ang mangingibig sa paglalakbay?


                  Pagsusulat


              Write a short paragraph about renting (a bicycle, a car, skis, a bangka or  small
   365   366   367   368   369   370   371   372   373   374   375