Page 379 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 379
Mahal kong Lola,
Kumusta na po kayo?
Mabuti naman ang kalagayan ko dito sa Quezon City. Nakatira na po ako
ngayon sa bahay nina Tito Boy at Tita Baby. Tapos na po ang Philippine
Studies summer program namin sa unibersidad. Sa huling linggo ng
programa, pumunta kami sa Boracay Island ng mga kaklase ko.
Alam po ba ninyo ang nangyari noong isang linggo? Malakas ang bagyo
dito sa Maynila. Bumaha sa Marikina at nasira ang bahay nina Tita Mila.
Dito sila tumira sa bahay nina Tita Baby ng isang linggo.
Pumunta agad kami ni Tita Baby sa bangko at nagpapalit ako ng
dalawang daang dolyar. Ibinigay ko ito kay Tita Mila para makatulong sa
kanila.
Magpapadala po ba kayo ng pera? Mas mabilis siguro kung sa
pamamagitan ng internet. Puwedeng tumulong sa inyo si Nanay.
Sa Disyembre po ay pupunta ako sa Los Angeles. Kasal po ng kaibigan ko.
May problema pa ako sa tiket ko at susulat uli ako kapag sigurado na ang
petsa ng dating ko.
Magkita po tayo pagbisita ko riyan.
Nagmamahal,
Clara
Pagsusulat (Writing)
Write a letter to a family member or a friend. Study the following words, phrases,
and expressions that might be useful to you.
Mga Salitang Maaaring Gamitin Sa Liham
(Words you can use in your letter): Mga Pagbati (Greetings)
Mahal kong..., Dear...,
Minamahal kong..., Dear...,
Mahal na Gng Cruz: Dear Gng. Cruz:
Mga Panahon: Tagsibol, Seasons: Spring,
Tag-araw, Taglagas, Summer, Fall,

