Page 389 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 389

Pagbabasa


              Read the following passage, and then answer the questions that follow. Study the
              following words before reading the story. You have learned some of the words in

              earlier  lesson;  they  are  listed  here  for  you  to  review. You  can  also  refer  to  the
              glossary at the back of the book.
                 Kalaban                                      Adversary
                 Pulitika                                     Politics

                 Pauwi                                        On his way home
                 Lumapag                                      Landed

                 Bigla                                        Suddenly
                 Pumutok                                      Fired
                 Baril                                        Gun

                 Tunay                                        Real





                                                Ang Lalaking Nakaputi


               Nakasuot  ng  puti  ang  lalaking  naka-upo  sa  loob  ng  eroplano.  Maiksi  ang
               buhok niya at may salamin siya sa mata. Mayroon siyang hawak na bag.
                  Galing ng Hong Kong ang lalaki. Bago pumunta ng Hong Kong, nakatira
              ang lalaki sa Newton, Massachussetts dahil mayroon siyang “fellowships” sa
              Harvard  University  at  Massachussetts  Institute  of  Technology.  Doon,
              nagbigay  ng  mga  lektyur  at  sumulat  ng  mga  libro  ang  lalaki.  Dating

              bilanggong pulitikal o “political prisoner” ang lalaki dahil kalaban niya sa
              pulitika ang Pangulo.
                  Pauwi  na  ang  lalaki  sa  kanyang  bayan.  Maraming  tao  sa  airport  para
              sunduin siya. Nakasuot ang marami sa kanila ng mga damit na kulay dilaw.
              Nagsabit  din  sila  ng  mga  dilaw  na  ribbon.  Inspirasyon  nila  para  dito  ang
              kantang “Tie a Yellow Ribbon.”

                  Lumapag sa paliparan ng Maynila ang eroplano. Tumayo ang lalaki para
              lumabas  ng  eroplano.  Pababa  na  ng  eroplano  ang  lalaki  nang  may  biglang
              pumutok na baril.

                  Bumagsak ang lalaki.
                  Sa  kanyang  passport,  nakasulat  ang  pangalang  “Marcial  Bonifacio.”
              Ninoy Aquino ang tunay niyang pangalan.
   384   385   386   387   388   389   390   391   392   393   394