Page 417 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 417

Nananawagan                                  Calling to
                 Gumagala                                     Roaming around
                 Puwersang militar                            Military forces

                 Binatikos                                    Criticized
                 Di-awtorisado                                Unauthorized

                 Pahayag                                      Statement
                 Permiso                                      Permission
                 Ipinagtataka                                 Surprised

                 Ibasura                                      Throw out to the garbage bin





                                        Banggaan ng Submarinong Intsik at
                                       Barko ng US Navy, pinaiimbestigahan




               ni Ilang-ilang Quijano
               Pinoy Weekly , Ika-8 ng Hunyo 2009


               Pinaiimbestigahan  ng  isang  militanteng  grupo  at  isang  senador  ang
               banggaan  kamakailan  ng  isang  submarinong  Instik  at  barko  ng  US  sa
               territorial waters ng Pilipinas dahil sa umano’y paglabag ng mga dayuhan
               sa soberanya ng bansa.

                  Noong  Hunyo  12,  nagbanggaan  ang  USS  John  McCain  at  isang
              submarinong  Instik  malapit  sa  Subic  Bay.  Bumangga  ang  submarino  sa
              underwater  sonar  array,  kagamitan  para  sa  underwater  surveillance,  na
              iniaahon ng destroyer na USS John McCain.

                  “Ano ang ginagawa ng US warship sa erya? Gayundin ang submarinong
              Instik?  Nananawagan  kami  kay  Pangulong  Arroyo  na  ipatawag  ang  mga
              opisyal ng gobyerno US at Tsina para ipaliwanag kung bakit gumagala ang
              kanilang mga puwersang militar sa ating karagatan,” sabi ni Antonio Tinio,
              tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).
                  Binatikos ni Tinio ang pagiging tahimik ni Arroyo sa nasabing insidente
              na  umano’y  isang  “paglabag  sa  soberanya  ng  bansa.”  Sa  ilalim  ng
              Konstitusyong 1987, ipinagbabawal ang di-awtorisadong presensiya ng mga

              dayuhang tropang militar.
                  Sa  isang  pahayag,  sinabi  ni  Lt.  Col.  Edgar  Arevalo,  tagapagsalita  ng
              Philippine Navy, na naganap ang banggaan sa international waters at hindi sa
              teritoryo ng bansa.
   412   413   414   415   416   417   418   419   420   421   422