Page 418 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 418

Pero  ayon  kay  Tinio,  “tangkang  pagtatakip  sa  insidente”  ang  ganitong
              pahayag ni Arevalo.
                  Samantala, naniniwala si Sen. Rodolfo Biazon na kailangan imbestigahan
              kung  may  nilabag  na  batas  ang  mga  dayuhan  sa  pagpasok  sa  bansa  ng
              kanilang mga sasakyang pandigma.

                  “Kung  lumahok  ang  USS  John  McCain  sa  Balikatan  Exercises,  at
              pumunta  sa  Subic  para  mag-refuel,  kailangan  nito  ng  permiso  para
              makapasok at makalabas ng Philippine waters,” sabi ng senador.
                  Ipinagtataka  ni  Biazon  kung  bakit  hindi  alam  ng  Philippine  Navy  na

              kalahok ang barkong pandigma sa Balikatan Exercises o ehersisyong militar
              sa pagitan ng mga tropang Pilipino at Amerikano.
                  Samantala,  muli  namang  nanawagan  ang ACT  na  ibasura  ang  Visiting
              Forces Agreement na pumapayag sa pagpasok ng mga tropang Amerikano sa
              bansa.






              1. Ano-ano ang mga nagbanggaan?
              2. Ano ang sinabi ni Antonio Tinio?
              3. Sino ang tagapagsalita ng Philippine Navy?
              4. Ano ang sinabi ng tagapagsalita ng Philippine Navy?
              5. Ano ang pangalan ng ehersisyong militar sa Pilipinas?
              6. Anong grupo ang nanawagan tungkol sa Visiting Forces Agreeement?



                  Pagsusulat


              Write a brief news item.



                 Paglalagom


              In Aralin 31, you have:
              1. Studied words and phrases that can help you in narrating an incident,
              2. Practiced reading a news item.


              You should now be able to:
              1. Read news items in Filipino with the aid of a dictionary for more difficult words.
              2. Narrate an incident.
   413   414   415   416   417   418   419   420   421   422   423