Page 30 - Supplement_Primary-1_Neat
P. 30

Magtanong para Matuto
          Hindi rin mawawala sa talakayan sa klase ang proseso ng tanungan.
      Nakatutulong ito tungo sa epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.
          Una, madadagdagan ang iyong kaalaman. Ikalawa, magkakaroon ka ng
      pagkakataon na masuri ang mga nalaman mong impormasyon. Ikatlo, maaaring
      magamit mo ang mga ito sa paglutas ng mga suliranin sa hinaharap.

          Narito ang ilan sa mga maaari mong maranasan sa tuwing nagtatanong:

          •  Mapatatalas ang iyong memorya.
          •  Mauunawaan mo ang mga pangyayari sa iyong paligid.
          •  Mas magiging maayos ang ugnayan mo sa iyong kapuwa.
          •  Mahihikayat mo ang iyong kapuwa na ikaw ay pagkatiwalaan.

          Sa pamamagitan ng pagtatanong, nalilinang ang iyong kakayahan na mag-isip.
      Ibig sabihin, makapag-iisip ka ng mga paraan, dahilan, o katwiran kung paano
      maisasagawa o maisasabuhay ang mga nalamang impormasyon.













           ...at dito nagtatapos ang aking
           ulat. Ano naman ang masasabi
           ninyo sa larawang ito?


                                                                           Pagkatapos ninyong masagot
                                                                           ang mga tanong ni Cathy, kayo
                                                                           naman ang magtatanong sa
                                                                           kaniya.


















            26
   25   26   27   28   29   30   31   32   33   34   35