Page 33 - Supplement_Primary-1_Neat
P. 33

Week
                                      ANG MATALIK                                                      8/10
             Talas Salita


                                      KONG KAIBIGAN






                                                                                         • Jerome B. Vitug

                                                         Matalik na kaibigan ko itong si Lara,

                                                         Sabi nila, magkaiba ang aming itsura,
                                                         Buhok niya ay maikli, sa akin ay mahaba,

                                                         Ako naman ay payat, siya ay mataba.



                                                         Pareho naman kaming mabagal tumakbo,
                                                         Ngunit mabilis kumain ng pansit na paborito,

                                                         Pareho rin kami kung magsalita ay mahina,

                                                         Ngunit malakas naman kami kung tumawa.



                                                         Biglang napalitan ng lungkot ang saya,
                                                         Nang magpunta ang pamilya niya sa Amerika,

                                                         Kung saan doon ay gabi ’pag dito ay umaga,
                                                         Pagkakaibigan naming dalawa ay paano na?



              Gawin

                 Maghanap ng limang pares ng mga salitang magkasalungat sa tula. Isulat
                 ito sa ibaba. Pagkatapos, gamitin din sa isang pangungusap ang pares ng
                 salitang nahanap. Isulat ang mga pangungusap sa iyong kuwaderno.


                1.


                2.

                3.

                4.


                5.



                                                                                                          29
   28   29   30   31   32   33   34   35   36   37   38