Page 29 - Supplement_Primary-1_Neat
P. 29

Week
                                                                                                             4







                                                                  Bakit Ka


                                                  Nagtatanong?







                                                                         • Mary Rose B. Magcamit


















                      apag hindi ko alam kung paano gawin ang isang bagay, madalas kong
                      tanungin si Nanay. Kapag sinagot niya ako sa una kong tanong, sunod-
              Ksunod na ang aking pagtatanong.

                 Tulad ko, alam kong marami ka ring tanong sa iyong mga magulang. Kahit sa
              paaralan, alam kong madalas ka ring magtanong sa iyong guro at mga kamag-
              aral. Pero sandali, natanong ka na rin ba nila kung bakit marami kang tanong?
              Simple lamang ang sagot, marami ka kasing nais malaman.


              Mga Ginagamit sa Pagtatanong
                 Ang pagtatanong ay paraan ng sunod-sunod na tanong, lalo na kung may
              layuning mangalap ng mga impormasyon. Ang ano, sino, saan, kailan, at bakit ay
              mga ginagamit sa pagtatanong.

                 •  Ano – ginagamit upang malaman                •  Kailan – ginagamit na pananong
                     ang identidad, katangian, o                     sa oras, araw, o panahon
                     kahalagahan ng isang bagay                  •  Bakit – ginagamit upang
                 •  Sino – ginagamit na pananong                     malaman ang dahilan o layunin
                     ukol sa pangalan ng tao                     •  Paano – ginagamit upang
                 •  Saan – ginagamit sa pagtatanong                  malaman ang paraan o
                     ng pook                                         kalagayan
                                                                 •
                                                                                                          25
   24   25   26   27   28   29   30   31   32   33   34