Page 175 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 175

have a picnic).
                 Burol                                                  Hill
                 Kamukha                                                Looks like

                 Kasi                                                   Because
                 Kuweba                                                 Cave

                 Naisip                                                 Thought
                 Nakakainis                                             Irritating
                 Naplano                                                Planned

                 Ngumiti                                                Smiled
                 Pelikula                                               Movie

                 Sarili                                                 Self
                 Tanawin                                                View

                 Talon                                                  Waterfalls





                                              Biyahe Papuntang Sagada

               Labindalawang oras ang biyahe mula Maynila hanggang Banaue, dalawang

               oras  mula  Banaue  hanggang  Bontoc,  at  apatnapu’t  limang  minuto  mula
               Bontoc hanggang Sagada.
                  May mga tao na mas gusto ang biyahe na Maynila hanggang Baguio, at
              Baguio  hanggang  Sagada.  Pero  mas  gusto  ni  Lillian  na  sumakay  ng  bus
              papuntang Banaue. Mas maganda kasi ang mga tanawin. Nakikita niya ang
              mga bundok, ang rice terraces, ang mga ilog at mga talon.

                  Nakaupo  si  Lillian  sa  istasyon  ng  bus.  Dahil  alas-diyes  ang  alis  ng  bus,
              dumating  siya  sa  istasyon  nang  alas-nuwebe  y  medya.  Hinihintay  niya  ang
              nobyo niyang si Ramon.
                  Alas-nuwebe  kwarenta  y  singko  na.  May  emergency  meeting  kaya  si

              Ramon?
                  Bakit hindi siya sumasagot sa telepono? Naaksidente kaya siya?
                  Apat na araw, tatlong gabi. Ito lang ang “vacation leave” niya. Naplano na

              niya ang lahat. Pupunta sila sa mga kuweba, sa mga talon, sa mga “hanging
              coffins.” Magpi-picnic sila sa isang burol. Magha-hiking sila sa bundok. Ang
              ganda. Kamukha niya si Hilda Koronel sa vintage 1970s na pelikulang “Kung
              Mangarap Ka’t Magising (If You Should Dream, and then Wake Up).”
                  Limang minuto bago mag-alas-diyes ng gabi. Aalis na ang bus. Hindi bale.
              Pupunta  pa  rin  ako  sa  Sagada,  sabi  ni  Lillian  sa  sarili.  Okay  naman.
   170   171   172   173   174   175   176   177   178   179   180