Page 397 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 397

Pagbabasa


              Read  the  following  short  short  story,  and  then  answer  the  questions  that  follow.
              Before reading, review/study the following words.

                 Manananggal                         Mythological creature in the Philippines,
                                                     described to be a beautiful woman with bat-like
                                                     wings and whose body can separate into two parts
                 Buntis                              Pregnant

                 Nahahati                            Divide
                 Lumilipad                           Fly
                 Naghahanap                          Looks for

                 Bubong                              Roof
                 Dila                                Tongue

                 Sumisigaw                           Shout
                 Rebelde                             Rebel

                 Sundalo                             Soldiers
                 Takot                               Afraid





                                                  Ang Manananggal        *




               Buntis si Sherlyn. Humiga siya sa kama sa ilalim ng kulambo. Hindi siya
               makatulog. Mula sa kama, nakikita niya ang bintana. Madilim sa labas ng
               bahay, kahit na bilog na bilog ang buwan sa labas.

                  May narinig siyang ingay. Tik. tik. tik. Natakot si Sherlyn. Manananggal
              kaya?
                  Ito ang kuwento ng lola niya tungkol sa manananggal. Sa gabi, nahahati

              ang katawan ng manananggal. Lumilipad ito at naghahanap ng mga buntis na
              babae.  Pumupunta  ang  manananggal  sa  bubong  ng  bahay.  Pagkatapos,
              lalabas ang mahabang dila nito, at kukunin ng dila ang sanggol sa loob ng
              babae. Dahil dito, naglalagay ng bawang sa iba’t ibang kuwarto ng bahay ang
              mga tao. Ang sabi ng lola niya, kapag nilagyan ng bawang, asin, o abo ang
              kalahating katawan ng mananggal, hindi na makakabalik ito sa katawan.
                  Bang. Bang. Bang.

                  Sa  labas,  nagpapaputok  ng  baril  ang  mga  sundalo.  Sumisigaw  ang
              kapitbahay. “Hindi po ako rebelde! Hindi po ako rebelde!”
   392   393   394   395   396   397   398   399   400   401   402