Page 423 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 423
Paslit Child
Pagsasaalang-alang Taking into consideration
Bukana Front
Pangkalahatan General
Dumaranas Experiencing
Salarin Murderer
Imbis Instead
Nakabatay Based on
Pinapalutang Floating
Pag-angkat Export
Sinasaad Said
Kaakibat Together
Kawalan-kumpiyansa Lack of confidence
Sagrado Sacred
Sikreto Secret
Nagpapaypay Fanning
Nagpopolitisa Politicizing
El Niño
ni Rolando Tolentino
Pinoy Weekly, March 13, 2010
Enero pa lang, tag-init na. Kaliligo pa lang, pinagpapawisan na. Iniisip pa
lang kailangang bumiyahe sa labas, nanlalata na. Lahat ng ito ay sinisisi sa
el niño. Na ipinagtataka ko dahil anti-bata ang isinasaad ng katawagan sa
penomenon. Pamaktol-maktol daw kaya parang brat na lalakeng paslit.
Tulad ng pagsasaalang-alang sa paslit bilang esensyal na spoiled brat,
kinakasangkapan din ang el nino bilang dahilan ng lahat ng kasalukuyang
krisis. Madaling nakakita ng politikal na bukana si Gloria Arroyo.
Ang el niño ang salarin kung bakit may krisis sa enerhiya ang bansa, na
parang ang pangkalahatang supply ng power ay nakabatay lamang sa hydro
dam. At dahil may krisis sa bansa—sa partikular, sa Mindanao na
dumaranas na ng anim na oras na blackout—muli na namang pinapalutang
ang idea ng emergency power ni Arroyo.

