Page 23 - Supplement_Primary-1_Neat
P. 23
Kumusta? Ako naman si Pipoy.
Isa ako sa mga lumahok sa
paggawa ng poster. Sabi ng
aming guro, dapat na maipakita
sa poster ang kahalagahan ng
wika. Naipakita ko sa aking
likhang sining ang aking
pagmamahal sa wikang Filipino.
Gawin
Makiisa sa mga gawaing pampaaralan ngayong Buwan ng Wikang
Pambansa. Maaaring lumahok sa paggawa ng poster, pagbigkas at pagsulat
ng tula, pagsayaw ng tradisyonal na sayaw, at marami pang iba. Sa ganitong
paraan, maipapakita mo ang pagmamahal sa wikang pambansa.
19

