Page 24 - Supplement_Primary-1_Neat
P. 24
Week
MABUHAY, 2
AYTA MAGBUKUN!
• Mary Rose B. Magcamit
Yarawa awlu! Magandang araw!
ina Tenoy at Rosita ay kabilang sa mga katutubong Ayta Magbukun. Sila
ay naninirahan sa Bataan. Ayta Magbukun din ang tawag sa kanilang
Skatutubong wika. Ang mga batang tulad nila ay hindi na gaanong
nakapagsasalita ng kanilang katutubong wika. Kabilang sila sa maraming
batang Pilipino na nakauunawa ng kanilang unang wika, ngunit hindi
nakapagsasalita nito.
Paano nangyari na ang kanilang unang wika ay hindi na gaanong sinasalita
ng mga batang Ayta Magbukun?
Nanganganib na Wika
Ayon sa isinagawang pag-aaral ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
noong 2015 at 2016, isa ang Ayta Magbukun sa mga wikang nanganganib na
mawala. Ang isang wika ay maituturing na nanganganib kung ito ay hindi na
gaanong ginagamit o sinasalita.
20

