Page 424 - Tagalog for Beginners: An Introduction to Filipino, the National Language of the Philippines
P. 424

Tulad ng nauna sa kanya, si Arroyo ay wala na namang masterplan para
              sa enerhiya, kasama ang paghahanap ng sustainable sources, tulad ng araw,
              hangin, at maging alon ng dagat. Imbis na ito ang tunguhin, ang direksyon ay
              pagsuporta sa planong coal plants, na ang panggagalingan ay mula sa pag-
              angkat  ng  batong  uling  sa  Tsina,  at  ang  muling  pagbuhay  sa  nuclear,  sa
              partikular ang Bataan nuclear power plant.
                  Ang  el  niño  at  ang  pagsisimula  ng  power  shortage  sa  Metro  Manila  at
              Luzon  ay  nagiging  susi  rin  sa  failure  ng  eleksyon  sa  Mayo  2010.  Sa
              kaunaunahang  pagkakataon,  automated  ang  bilangan  sa  eleksyon. Ayon  sa

              Comelec, mayroong battery life ang makinang bibilang na 16 na oras, at 11
              oras lang ang laan sa pagboto.
                  Ang  hindi  sinasaad  ay  ang  kulturang  kaakibat  ng  blackouts,  lalo  na  sa
              panahon, sa mismong araw, at matapos ang eleksyon. May pangkalahatang
              pakiwari  ng  agam-agam  sa  napakahalagang  araw  ng  pagboto.  At  hindi
              nakakatulong ang kawalan-kumpiyansa ng mamamayan sa pagiging sagrado

              at sikreto ng kanilang balota at karapatang bumoto kung may malawakang
              blackout.
                  Ang  epekto  sa  minimum,  may  resulta  pero  hindi  lubos  na
              katanggaptanggap dahil sa kontexto ng pagkapanalo. Parating kabuntot ang
              katanungan at isyu hinggil sa pagmamaniobra at pandaraya. Sa maximum,
              ang “no el” (no elections) at maging failure of elections na scenarios.

                  No  elections  dahil  hindi  lubos  na  nakahanda  ang  infrastruktura  at
              personnel para sa automated voting at counting. At wala rin namang malinaw
              na plano sa rekurso para sa balik manual na eleksyon. Failure of elections
              naman  kapag  aktwal  na  may  pagbotong  naganap,  pero  malawakan  ang
              kondisyon para makwestiyon ang ehersisyo sa liberal na demokrasya.

                  Sa  dalawang  scenarios,  si  Arroyo  lang  naman  ang  makikinabang.  Mas
              tiyak ang katig ng kanyang namamayaning burukrasya para sa mga scenario
              na  maaring  maganap.  At  ito  ang  rekurso  ni  Arroyo  sa  pagpolitisa  sa
              phenomenon ng el nino: gawing lubhang mainit ang panahon at kondisyon ng
              eleksyon, pero gawin din, tulad ng el nino, na wala nang magagawa ang mga
              tao hinggil dito.
                  Sa  kapaligiran  ng  U.P.  at  iba  pang  lugar,  tuyot  na  ang  damuhan.
              Matatamlay  ang  halaman.  Ngayon  ay  may  lamig  pa  sa  umaga  pero  sa

              kalakhan  ng  araw,  di  lamang  naglalaho  ito,  wala  pang  rekurso  sa  ibang
              maaliwalas na espasyo maliban sa malls at aircon na lugar. Naisip ko tuloy na
              ang disenyo ng mga gusali sa bansa ay talagang makakanluranin. Kailangan
              ng aircon para magkaroon ng katiwasayan sa mainit na temperatura.
                  Kapag  nagbro-brownout,  madilim  at  mainit  ang  loob.  Walang  klase,
   419   420   421   422   423   424   425   426   427   428   429